UST Singers, wagi ng Grand Prize sa United Kingdom

  

Muling pinatunayan ng UST Singers ang kanilang pagiging world class nang mapanalunan ng mga ito ang Grand Prize sa prestihiyosong City of Derry International Choir Festival na ginanap sa Northren Ireland, United Kingdom. 

Ginanap ang nasabing choir competition noong October 24-26, 2025. 

Napanalunan ng grupo ang Oak Tree of Derry Trophy, ang grand prize sa nasabing kumpetisyon. 

Bukod sa grand prize, ipinagkaloob din sa grupo ang dalawang major awards na Contemporary Music Centre Award for Best Performance of a Piece ng isang composer mula sa Ireland dahil sa kanilang makabagbag-damdaming rendition ng “The Destroyer” ni Sean Doherty at ang Bishop’s Gate Hotel Award dahil sa kanilang Outstanding Performance of a Work Composed Before 1750 para naman sa kanilang interpretasyon ng awiting  “Come Away Sweet Love” ni Thomas Greaves. 

Kabilang sa mga tinalo ng UST Singers ang mga pambato ng Estonia at Ireland. 

Dahil sa panalo, muling itinaas ng UST Singers ang kanilang bandila bilang isa sa mga premiere choral group sa Pilipinas.

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form