Alden Richards, inaming sobrang pressure na makahanap ng lovelife sa edad na 34


Emosyunal na nagkuwento si Alden Richards tungkol sa kanyang love life nang mag-guest ito sa “Gandang Gabi Vice.”

Sa edad na 34, aminado ang aktor na nakaramdam siya ng sobrang pressure dahil sa mga tanong kung kailan siya magkakaroon ng sariling pamilya.

Ayon kay Alden, dalawa pa lang ang naging pormal niyang kasintahan, at noong high school pa ito nangyari.

Pagpasok umano niya sa showbiz, nagkaroon naman siya ng limang “almost but not quite” na relasyon sa mga kapwa artista, pero hindi naging opisyal na magkasintahan.

Sinabi pa ng aktor na mas lumalaki ang pressure dahil sa kultura ng mga Pilipino na parang may “deadline” ang pag-aasawa at pagbuo ng pamilya.

Pero matapos ang huling pagkabigo sa pag-ibig, nagpasya si Alden na huwag nang piliting hanapin ang love at sa halip ay hintayin ito sa tamang panahon.

Pinakamabigat sa kaniyang pag-amin ang realization na matagal siyang naghanap ng pagmamahal mula sa ibang tao, pero kulang pala ang pagmamahal niya sa kanyang sarili.

Sa kabila nito, naniniwala si Alden na may taong nakalaan para sa kanya, pero sa ngayon, self love daw muna siya.

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form