Ama ng nursing student na natagpuang patay, patay din dalawang araw matapos ilibing ang anak

 

Dobleng paghihinagpis ang nararanasan ngayon ng pamilyang Gabayno matapos na bawian na rin ng buhay ang ama ng 20-anyos na nursing student na pinatay.

Ayon kay Toto Gabayno, kamag-anak ng mga biktima, itinakbo sa Oriental Mindoro Southern District Hospital ang 47-anyos na si Roden Gabayno nang magreklamo ito nang paninikip ng hininga habang natutulog ito noong Nobyembre 17.

Sinubukan pa itong i-revive ng mga doktor ngunit binawian na ito ng buhay bandang alas kuwatro ng madaling araw.
 
Ayon pa kay Toto, hindi umiyak ang kaniyang pinsan sa burol hanggang sa ilibing ang anak nito nito lamang Sabado, November 13, 2026.
 
Sinabi pa ni Toto na nagsabi si Roden sa misis nito na  hindi na niya kaya ang sakit na nararamdaman sa pagkawala ng kanilang anak.
 
“Tapos ‘yun po, parang nanginginig ‘yung kaniyang katawan. Tapos noong madaling araw nang matulog, nagulat na lang sila noong ginising si Roden, wala na po siya,” ayon kay Toto.
 
Si 20-anyos na nursing student na si Altheia ay patay na nang matagpuan sa madamong bahagi ngg Barangay Sapul, Calapan City noong madaling araw ng November 7, kung saan nagtamo ito ng maraming saksak sa katawan
 
Agad namang sumuko sa mga otoridad ang 26-anyos na umano’y boyfriend nito.
 

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form