Marvin Agustin, nag-isyu ng public apology nang dagsain ng reklamo ng mga customer dahil sa poor quality ng kaniyang food business

Agad na nag-isyu ng public apology si Marvin Agustin matapos na dagsain ng reklamo ang kaniyang food business na ‘Cochi by Marvin Agustin’ dahil sa umano’y poor food quality at hindi magandang customer service.

 

Idinaan ng aktor ang kaniyang paghingi ng paumanhin sa pamamagitan ng kaniyang Instagram account nang sabihin nito na ngayon ang pinaka-worst na Christmas para sa kaniya, sabay sabi nito nang, “I’m very sorry, everyone.”

 

Ayon pa sa aktor, napakahalaga ng Pasko sa mga Pinoy lalo na at ang daming problemang dumaan kaya’t napakasakit daw sa kaniya na marami silang naperwisyo, sabay hingi ulit nito ng tawad.

 

Sinabi pa ni Marvin na maling-mali sila dahil nagpa-overwhelm sila sa mga hindi inaasahang problema at nagkulang sila sa kanilang serbisyo at hindi raw nila agad natugunan ang mga tanong ng customers.

 

Bagama’t masakit daw ang kaniyang mga nababasa na reklamo, tinatanggap niya raw ang lahat dahil sila ang may mali, ngunit sana raw ay mabigyan siya ng pagkakataon na maipakita na wala sa kaniyang pagkatao ang magbigay ng problema sa kahit kanino.

 

Idinagdag pa nito na, “I had a series of unfortunate events from our kitchen equipments breaking down, a glitch in our ordering system, and last minute cancellations of couriers due to several unforeseen reasons.”

 

Ngunit hindi raw excuse upang hindi nila maibigay ang service na deserve at ini-expect ng kanilang customers, lalo na at halos tatlong buwan raw na pinaghandaan ng mga Pinoy ang Pasko kaya’t wala silang karapatang magkamali.

 

Nag-reach out na rin daw sila sa iba, partikular na sa mga taong nagkaroon ng matinding inconvenience sa napaka-espesyal na okasyon, sabay pangako ni Marvin na magpapatuloy sila sa pakikipag-usap sa mga ito.

 

Sa mga hindi pa raw nakatanggap ng kanilang pagri-reach out, inaalam lamang daw niya lahat ng impormasyon upang ma-address nila ng maayos ang problema, dahil lahat daw ng kanilang customer ay importante sa kaniya.

 

Agad ding nagbigay ng assurance si Marvin sa mga nagri-reklamong customer na hinding-hindi na mauulit ang insidente.

 

Ipinost din ng Cochi by Marvin Agustin sa Facebook page nito ang paghingi ng paumanhin ng aktor kung saan dinagsa pa rin ito ng reklamo.

 

Samantala, partikular na inireklamo ng mga customer ang “Conchinillo” ng inu-offer ni Marvin dahil hindi daw ito malutong at matigas din.

 

Ang “Conchinillo” ay litsong biik o lechon de leche at isang uri ng pagkain na nagmula sa Spain.

1 Comments

  1. Basically a mistake no matter the excuse is remembered by everyone & will take time to forget or bypass!

    ReplyDelete
Previous Post Next Post

Contact Form