Nanindigan si Senador Robinhood Padilla na hinding-hindi niya tatalikuran ang pakikipagkaibigan kay Pastor Apollo Quiboloy.
Ito’y sa kabila ng kaliwa’t kanang batikos sa kaniya mula sa ilang personalidad, kabilang na ang aktres na si Angel Locsin ang mga mamamahayag.
Ayon sa senador, hindi naaayon sa kaniyang paniniwala bilang isang Muslim na talikuran ang isang kaibigan.
Handa rin umano siyang akusin ang lahat ng batikos kaysa iwan ang kaniyang kaibigan dahil lamang sa usaping pulitika.
Dagdag pa niya, mahal na mahal umano ni Quiboloy ang mga Muslim at katutubo, at higit sa lahat, kasama nila ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Quiboloy noong panahong lumalaban sila sa mga terorista.
