To the rescue si Nadine Lustre sa mga taga-Siargao, isa sa mga probinsya na malubhang nasalanta dahil sa Bagyong Odette, nang sa halip na mag-celebrate ito ng Christmas ay namahagi ito ng relief goods sa mga biktima ng bagyo.
Kasama ng aktres ang
kaniyang boyfriend na si Christophe Bariou na walang tigil na namahagi ng mga
pagkain, bigas at mineral water sa mga taga-Siargao.
Sa pamamagitan ng
kaniyang Instagram account, nagbigay din si Nadine ng update sa mga sinalanta
ng bagyo sa nasabing lugar noong araw mismo ng Pasko.
Kasama mismo ang
aktres sa pag-a-assist sa pamamahagi ng relief goods.
Unang nalaman ng
publiko ang pagtulong ni Nadine sa Siargao noong December 23 kung saan
nakipagtulungan ang aktres sa Greenpeace Philippines sa pag-i-install ng mga
solar panels at pagdi-deliver ng mga relief goods.
Agad namang
nagpasalamat ang aktres sa mga nagbigay ng tulong sa mga residente ng Siarago,
kung saan siya mayroong itinayong property sa nasabing lugar.
Una nang
kinuwestiyon ng isang Twitter user ang ginawang pagtulong ni Nadine sa mga
taga-Siargao dahil concern lamang umano ito sa kaniyang rumored boyfriend,
ngunit itinanggi ito ng aktres, kung saan sinabi nito na ang concern niya ay sa
mga nasalanta ng bagyo sa nasabing probinsya.