Diretsahang sinagot
ni Aga Muhlach ang tanong ng press kung lilipat na siya sa TV station ni Manny
Villar na Advanced Media Broadcasting System Inc. o AMBS.
Ito’y matapos na lumabas ang mga letrato nila ni
Willie Revillame kasama ang kaniyang asawang si Charlene Gonzales noong
February 7, 2022.
Sinabi pa ng aktor na hangga’t masaya sa kaniya ang management ng Net25 at masaya rin siya at naibibigay ang mga gusto niyang mangyari sa kaniyang show ay mananatili siya.
May delicadeza pa raw siya sa katawan kaya’t hinding-hindi niya iiwan ang istasyon na kumupkop sa kaniya.
Sa lahat umano ng mga istasyon sa Pilipinas, priority niya ang Net25 at kung magkakaroon man umano siya ng ibang show sa ibang channel ay palagi raw siyang magpapaalam.
Sa kasalukuyan ay may show si Aga sa Net25 at may nakatakda pa siyang gagawing show dito.