![]() |
| Rox is being crowned by Mrs. Philippines International Lenlen Andersen |
Isang prestigious
pageant ang matutunghayan ng pageant fans kapag umarangkada na ang Mrs. Metro
Manila 2022 beauty pageant, ang pageant para sa mga beautiful misis at single
mom ng Kalakhang Maynila.
Sa ginanap na official sashing at crowning ng appointed na Mrs. Metro Manila 2021 na si Roxanne Velasco o Rox sa kaniyang pamilya at mga kaibigan, sinabi ng beauty queen na siya ring National Director ng Mrs. Metro Manila na sisiguruhin niyang pag-uusapan ang kaniyang gagawing pageant.
Aniya, mag-aaral siya kung paano gagawing viral ang mga post sa gagawin nilang social media account ng kanilang pageant.
Ayon pa kay Rox,
bagama’t siya ang reigning queen, ngunit ibibigay umano niya sa mga candidate
ang pokus.
Ang mananalo umano sa Mrs. Metro Manila Philippines ay lalaban naman sa isang national pageant.
Exclusive lamang umano sa mga residente ng Metro Manila ang kanilang pageant kung saan magiging salang-sala ang kukunin nilang mga candidate.
Samantala, full support naman ang asawa ni Rox sa bagong tinahak nitong landas, bagama’t may advice lamag siya sa kaniyang beauty queen na misis.
