Andok’s Litson Manok, nagbukas ng kauna-unahang international outlet sa Singapore

 

Matapos ang halos apat na dekada sa Pilipinas, binuksan na ng Andok’s ang kanilang kauna-unahang international outlet sa Singapore.

Ang Andok’s Litson Manok Singapore outlet ay matatagpuan sa Lucky Plaza, isang sikat na shopping center sa kahabaan ng Orchard Road.

Ayon kay Mica Javier, anak ng founder ng Andok’s na si Leonardo “Sandy” Javier Jr., isa sa mga pangarap ng kaniyang ama na magkaroon ng international outlet kung saan nangyari na ito ngayon.

Sinabi pa nito na masayang-masaya sila na nakita nilang naging makatotohanan ang pangarap ng kaniyang ama na magkaroon ng international outlet.

Kabilang sa mga menu na available sa Singapore branch ng Andok’s ang Litson Manok, Dokito Frit, Dokito Burger, Dokito pops o chicken nuggets, Spaghetti, French Fries, at kanin.

Ang Andok’s ay unang ipinakilala sa publiko noong 1985.

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form