Tuluyan nang sumuko sa mga otoridad si Ruffa Mae Quinto matapos itong maisyuhan ng arrest warrant dahil sa kontrobersiya na dulot ng Dermacare.
Sa isang video na kumakalat, makikita si Ruffa Mae na nasa NAIA Terminal 1 galing San Francisco, California kung saan siya naka-stay nang lumabas ang warrant of arrest dahil sa 14 counts ng paglabag sa Section 8 ng Securities Regulation Code o SRC.
Nakasaad sa Section 8 ng src na, securities "shall not be sold or offered for sale or distribution within the Philippines, without a registration statement duly filed with and approved by the commission."
Ayon sa report, nakipag-ugnayan ang lawyer ni Ruffa Mae kay NBI Chief Jimmy de Leon para sa voluntary surrender ng komedyante, kung saan sumailalim muna ito sa medico-legal examination bago dinala sa Pasay Court.
Sa kabila ng kaniyang pagsurender, itinanggi pa rin ni Ruffa Mae ang mga alegasyon na involved siya sa scam na may kinalaman sa Dermacare, kung saan sinabi nito na wala siyang koneksyon o kinalaman sa anumang iligal na gawain ng mga ito.
Sa kaniyang statement, sinabi ni Ruffa Mae na, "I categorically deny these baseless accusations. If anything, I am also a victim and I am determined to seek justice."
Bilang public figure umano, palagi niyang isinasabuhay ang professionalism, transparency at respeto sa mga tao at sa mga produkto na nakakatrabaho niya.
Nakakalungkot umanong makita ang kaniyang pangalan na nasangkot sa isang madumi, ngunit mananatili umano siyang maniniwala na lalabas din ang buong katotohanan.
Sinabi pa ni Ruffa Mae na makikipag-cooperate siya sa mga otoridad at haharapin ang nasabing isyu sa pamamagitan ng legal forum.
Idinagdag pa nito na lalaban umano siya para malinis ang kaniyang pangalan at ang kaniyang reputasyon sa showbiz industry.
Ayon naman sa abogado ng mga nagsampa ng kaso na si Atty. Roberto Labe, naglabas ng milyun-milyon ang kaniyang 39 na kliyente sa dermacare sa kabila ng kakulangan nito ng lisensya para mag-solicit ng investments.
Sinabi pa nito na ang kaniyang mga kliyente na nakatira sa Quezon City, Pasay City, Sta. Rosa Laguna at Batangas City ay nag-file ng mga kaso laban kay Miranda at Quinto, at anim pang mga board of directors ng Dermacare-Beyond Skincare Solutions.
Umabot umano ng 89 milyong piso ang na-invest ng mga ito, kung saan ang isa niya raw kliyente na nag-invest noong 2022 ay nakakuha ng bouncing checks noong 2023.
Ang Dermacare ang kaparehong kumpanya na involved sa pagkakaaresto rin ni Neri Miranda noong november.
Si miranda ay pinakawalan pansamantala ng Pasay CIty Regional Trial Court matapos makapaglagak ng piyansa.
