Diwata, hinamon si Rendon Labador na magpalakihan nalang sila ng pagkalalaki

 

Tila napuno na si Diwata sa patuloy na pambabatikos sa kaniya ng motivational speaker na si Rendon Labador, matapos na hamunin niya ito na magpalakihan nalang sila ng kanilang pagkalalaki.

Sa kaniyang Facebook account, ipinost ni Diwata ang kaniyang hamon kay Labador nang sabihin nito na, “Lalaki sa lalaki tayo! gusto mo palakihan na lang tayo ng pagkalalaki natin? palakihan tayo ng Nota? [laughing emojis]”

Ayon kay Diwata hindi niya raw kasi alam kung tunay bang lalaki si Labador dahil daig pa nito ang bakla at muli ay nilagyan nito ng laughing emojis.

Nag-ugat ang paghahamon ni may-ari ng paresan kay Labador nang i-post ni Labador ang screenshot ng video call nina Diwata at Marvin Agustin na may nakalagay na caption na, “Wag niyo i-tag si Rendon Labrador baka magalit nanaman, seloso masyado ‘yun! [smiling face emojis]”

Sa kaniyang caption naman, mababasa ang sinabi ni Labador na, “Yung ngiti ni Marvin may halong pandidiri. Bilib ako sayo kung si Marvin i-content ka kasama ng cochinillo niya na lechon,” sabay sabi nito nang, “Maligo ka kasi paminsan-minsan.”

Kasama rin sa caption ni Labador ang mga salitang, “Tigilan mo na ako sa kaka-TAG Diwata, ambaho na ng news feed ko. Ligo-Ligo din kasi kapag may time.”

Hindi ito ang unang pagkakataon na nagparunggitan ang dalawa matapos na kontrahin ni Labador ang pagtakbo ni Diwata sa party-list na Vendors Party-List na hindi rin naman pinalad na manalo nitong nakaraang midterm elections.

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form