![]() |
| Marian Rivera during wearing Hacchic Couture during Lunar Fracture - The Art of Harmony Showcase in Vietnam |
Ipinaranas kay Marian Rivera ang superstar treatment nang dumalo ito sa isang event sa Vietnam.
Kasama si Marian sa Lunar Fracture - The Art of Harmony Showcase ng Vietnamese luxury fashion house na Hacchic Couture, kung saan rumampa siya sa runway noong October 15, 2025.
Sa interview sa aktres, sinabi nito na hindi niya ini-expect na sobra ang treatment na ibibigay sa kaniya, kung saan pagdating niya raw sa venue ay may mga taong sumalubong sa kaniya.
Na-overwhelm daw talaga siya at kinilig na hindi niya maipaliwanag ang kaniyang nararamdaman ng mga oras na iyon.
Nasabi nalang daw niya sa kaniyang sarili na napaka-bless niya para maka-experience ng ganung treatment sa ibang bansa, kaya’t sobrang happy daw siya.
Hindi rin umano niya makalimutan kung gaano ka-sweet at kabait sa kaniya ang mga tao sa nasabing event, kaya’t natanong niya raw sa kaniyang sarili kung homecoming ba niya ang nasabing event.
Ang huling punta niya raw sa Vietnam ay sampung taon na ang nakararaan kung saan nag-register daw sa mga taga-Vietnam ang kaniyang fantaserye na Dyesebel na nagkaroon ng malawak na following sa nasabing bansa.
Nalaman niya na naging sikat ang Dyesebel sa Vietnam dahil sinasabi ito ng mga nagpapa-picture sa kaniya.
Samantala, ikinuwento
ni Marian na nagsimula ang kaniyang relationship sa Vietnamese luxury brand na
Hacchic Couture noong ikasampung taong wedding anniversary at renewal of vow nila
ng kaniyang mister na si Dingdong Dantes.
