Kris Aquino, kinumpirmang hiwalay na sila ng kaniyang fiance na si Mel Sarmiento

Tuluyan nang naghiwalay sina Kris Aquino at ang kaniyang fiancé na si Mel Sarmiento.

 

Ito’y kahit na-announce na ng dalawa ang kanilang engagement noong October 24, 2021, eksaktong third monthsary nila.

 

Unang nagkaroon ng duda ang mga netizen na hiwalay na ang dalawa matapos na burahin ni Kris ang lahat ng kaniyang post na may kinalaman kay Mel noong Lunes, January 3, 2022.

 

Kasunod nito ang pagkumpirma ni Kris na hiwalay na sila ni Mel at siya ang nag-initiate ng kanilang hiwalayan dahil sa health reason.

 

Ayon kay Kris, naalarma siya sa pagbagsak ng kaniyang timbang na ngayon ay 40 pounds na lamang.

 

Sa kaniyang official statement, sinabi ni Kris ang mga katagang, "Sa pinagdadaanan ko ngayon, may tao ba na gustong pag-usapan pa ang kanyang paghihiwalay?

 

Ngunit upang maka-move on umano siya ng matiwasay at makapagpokus sa kaniyang sarili at sa kalusugan, dahil may mga anak siya na kailangan pa siya, tulad ni Josh na may autism at ang kaniyang bunso na si Bimby na nakatakdang mag-18 years old tatlong taon mula ngayon, kailangan niya raw tapusin ang naturang chapter ng kaniyang buhay.

 

Sinabi pa ni Kris na ipu-post niya ang screenshot ng huling text message sa kaniya ni Mel at pagkatapos umano noon ay wala nang mababasa o maririnig pa tungkol kay Mel dahil gusto pa rin umano niyang i-preserve ang kung anumang dignity na natitira pa sa kaniya.

 

Kasabay nito ang paghingi ni Kris ng privacy para sa kaniyang pagpapagaling dahil naging matapang naman daw siya sa pagsasabi ng totoo.

 

Sa nasabing post ni Kris, makikita rin dito ang dalawang letrato kung saan sa una ay kinukunan siya ng dugo habang sa isa naman ay tinitimbang siya.

 

Samantala, ipinakita rin ni Kris ang huling text message sa kaniya ni Mel, kung saan nakalagay dito na nakatakda pa sana siyang samahan nito hanggang January 4, ngunit nagdesisyon ang dating DILG Secretary na huwag nang ituloy dahil baka mailagay niya raw ang kalusugan ni Kris sa kumpromiso.

 

Sinabi pa ni Mel na mabigat man sa kaniyang dibdib, tinatanggap niya ang desisyon ni Kris na makipaghiwalay dahil hindi raw niya kakayanin ang set-up na hindi sila magkita ng madalas dahil sa pagiging ‘bubble fatigue’ o taong nakakaramdam ng pagod kapag matagal na nanatili sa loob ng isang lugar.

 

Hindi raw kakayanin ng kaniyang kunsensya na may mangyaring hindi maganda kay Kris dahil sa kaniyang pagiging lakwatsero.

 

Lagi niya raw ichi-cherish ang mga happy moment nila ni Kris kung saan mahal niya raw ito, ngunit iyon na raw marahil ang ‘goodbye’ dahil mas importante umano ang buhay nito lalo na at mayroon pa itong Bimby at Josh na dapat alagaan.

 

Sa huli ay sinabi ni Mel ang mga katagang, "You will forever be in my heart."

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form