Twins na isinilang ng hatinggabi ng December 31, 2021, magkaiba ang birthday at magkaiba rin ng taon

 

Twins Alfredo and Aylin, Alfredo was born on December 31, 2021 while Aylin was born on January 1, 2022

Kapag sinabing twins o kambal, iisa ang assumption na pareho sila ng birthday.

 

Bagama’t may pagkakataon na magkaiba ang araw ng kapanganakan ng kambal, ngunit bihirang mangyari na magkaiba na ang birthday, magkaiba pa ng taon.

 

Ito ang nangyari sa anak nina Fatima Madrigal at Robert Trujillo, ang proud parents ng twin babies na ipinanganak nitong nakalipas lamang na bago mag-Bagong Taon at noong Bagong Taon.

 

Ang kambal na sina Aylin Yolanda Trujillo at Alfredo Antonio Trujillo ay ipinanangak sa Natividad Medical Center sa Salinas, California.

 

Si Aylin ang unang nai-record ng nasabing ospital at nang buong Monterey County na ipinanganak sa taong 2022 at tumitimbang ng 5 pounds at 14 ounces kung saan ang kaniyang birthday ay naitala nang 1/1/22.

 

Ngunit bago pa man isinilang si Aylin ay nauna ng 15 minutes ang kaniyang twin brother na si Alfredo, kung saan ipinanganak naman ito ng December 31, 2021, dahilan upang maging magkaiba ang kanilang birthday at ang taon nang kanilang kapanganakan.

 

Si Alfredo ay ipinanganak nang 11:45pm nang December 31, 2021 at pagkatapos ng labinlimang minuto, saktong alas dose ng hatinggabi, ay ipinanganak naman si Aylin, kaya’t itinuturing na one in two million chance para sa kambal na magkaiba ang petsa at ang taon ng kapanganakan.

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form