Nadine Lustre at rumored boyfriend nito, muling nagsagawa ng feeding program sa Siargao


Muling nagsagawa ng feeding program sa Siargao si Nadine Lustre at ang rumored boyfriend nito na si Christophe Bariou, kung saan partikular na nagbigay ng tulong ang dalawa sa mga sinalanta ng Bagyong Odette sa nasabing probinsya


Nalaman ang ginawang feeding programa ng aktres at ng rumored boyfriend nito matapos na i-post ng isang Richard Tesado Pomoy sa kaniyang Facebook account noong February 17, 2022 ang letrato kung saan makikitang naglalagay si Nadine ng pagkain sa plastic para sa mga biktima ng bagyo sa Pilar, Siargao.


Sa caption ni Richard, sinabi nito na, "Nadine Lustre conducts feeding program to all affected super typhoon Odette at Caridad, Pilar, Surigao del Norte."


Nagpost din ang Instagram account na @alwaysjdn na kuha naman ng Siargao Community Kitchen, habang ang isang fan account na @switch16 ay ipinakita ang isang letrato ni Nadine at ni Christophe na tila may meeting sa ilang miyembro ng isang community.


Sa caption ay naglagay ito ng caption na, “Thanks Nadine Lustre and company for coming #ChrisDine.” 


Samantala, bagama't ilang beses nang nakikitang magkasama at may mga pagkakataong sweet na sweet pa sa isa't-isa, wala pa namang kumpirmasyon mula kay Nadine kung karelasyon na nga nito si Christophe.


Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form