Lalaking bumasag sa kotse at nagnakaw ng mga mahahalagang gamit ni Gerald Anderson, sumuko na sa NBI

 

Personal na sumuko na sa National Bureau of Investigation o NBI ang lalaking bumasag sa kotse at nagnakaw ng mga gamit ng aktor na si Gerald Anderson.

 

Mismong ang suspek na si John Allen Dancel na miyembro ng "basag-kotse" robbery group sa Tundo, ang pumunta sa NBI-Special Action Unit o NBI-SAU noong Pebrero 7.

 

Una rito, inamin ng NBI na nabigo silang maaresto si Dancel at ang isa pang suspek na si Benjamin Carreon, Jr., nang magsagawa sila ng follow-up operation sa bahay ni Carreon sa Tundo, Manila noong Pebrero 3 .. Ngunit nakita nila sa ilang gamit ng aktor sa loob ng kuwartong ino-okupa ni Dancel.

 

Una rito, inamin Sinabi nito na isa sa tatlong suspek ang bumasag sa bintana ng sasakyan ni anderson na nakaparada sa labas ng isang gym sa quezon city at kinuha ang dalawang bag na naglalaman ng aabot sa p830-libong halaga ng mga kagamitan.

 

Matapos ang isang araw ng insidente, nadiskubre din ni Anderson na ang kaniyang mobile wallet account sa Coins.ph ay na-hacked, kung saan nadiskubre ng NBI si Carreon ang nang-hacked.

 

Kaugnay nito, sinabi ni Dancel na siya ang nagbenta ng dalawang relo ni Anderson sa isang nagngangalang Lianny “Yhang" Carlos sa halagang P150-libo.

 

Samantala, kinasuhan din ng robbery ang dalawang kasabwat ni Dancel na sina John Louie Rosario at Isagani dela Cruz na hindi pa rin nahuhuli.

 

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form