Film Capital of Oriental Mindoro ang tawag ngayon sa Pola Oriental Mindoro dahil sa dami ng mga pelikula na nag-shoot dito.
Ayon kay Pola Mayor Jennifer
Mindanao-Cruz a.k.a. Ina Alegre sa showbiz, sa loob lamang ng halos kalahating
taon ay limang pelikula na ang nag-shooting sa kanilang probinsya.
Kabilang dito ang
mga pelikulang “Bahay na Pula,” “Palitan,”
“Sisid,” “The Policeman,” at ang katatapos lamang mag-premiere na “40 Days.”
Aniya, nagustuhan ng mga direktor na sina Brillante Mendoza at Neal “Buboy” Tan ang kanilang probinsiya dahil sa ganda ng mga tanawin dito, mula sa dagat, lawa, talon, bundok at mga ancestral house na tulad ng sa Vigan, Ilocos Sur.
| One of the beautiful beaches in Pola |
Ipinagmalaki rin ng
Mayor ang isang street sa Pola na halos lahat ng nakatayong bahay ay old
houses, kung saan na-preserved umano ng mga may-ari ang tunay na hitsura ng mga
ito na itinayo noon pang 1950’s.
Isa sa mga old house
na ginamit na title ng isang pelikula ay ang “Bahay na Pula” na ipinalabas sa
lahat ng Vivamax at halos kadikit ng bahay na kinalakihan naman ng ABS-CBN
broadcaster at dating Vice President na si Noli de Castro.
Sa Pola rin galing ang Pinoy Big Brother grand winner na si Ejay Falcon na tumatakbo ngayong Vice Governor sa kanila.
Dahil sa mga shooting ng pelikula kung kaya’t unti-unti nang nakikilala ang Pola, na siyang main objective ni Major Ina, ang makilala ang kanilang probinsya upang dagsain ito ng mga negosyante.
Samantala, lalo
umanong nakilala ang Pola nang mag-shooting ng mahigit isang buwan sina Coco
Martin at Julia Montes na bida ng “The Policeman” ganundin sina Julia Barretto
at Xian Lim na bida naman ng pelikulang “Bahay na Pula.”
Noong Linggo, February 27, ginanap din sa Pola ang premiere night ng pelikulang “40 Days” na pinagbibidahan naman nina James Blanco, Michelle Vito, at Mygz Molino sa direksyon ni Direk Neal “Buboy” Tan.
| During premiere night of 40 Days |
Ayon kay Mayor Ina, malaking tulong sa kaniyang mga
kababayan ang pagsu-shoot ng pelikula sa Pola lalo na sa mga may tindahan at sa
mga tricycle driver dahil inaarkila umano ng mga production people ang sasakyan
ng mga ito kung namamasyal sa iba’t-ibang tourist spot ng kanilang probinsya.