Ana Jalandoni, nagsalita na kaugnay sa umano’y pambubugbog sa kaniya ni Kit Thompson


“When you love someone, you will never ever harm them.”

Ito ang ipinost ni Ana Jalandoni sa kaniyang Instagram account kasabay ng pagpu-post nito ng kaniyang mga letrato bago at nang matapos ang insidente ng umano’y pambubugbog at pagkulong sa kanya ng kaniyang boyfriend na si Kit Thompson.

Nagtanong din ang newcomer kung minahal ba siya ni Thompson, sabay bigay nito ng paalala sa mga kababaihan na mag-ingat sa kanilang mga karelasyon.

Kasabay nito, nagpasalamat si Jalandoni sa lahat ng mga nag-alala sa kaniya kung saan nangako ito na magbibigay siya ng official statement sa lalong madaling panahon.

Una rito, naglabas ng official statement ang management ni Thompson na Cornerstone Management noong March 18, 2022, kung saan nakasaad dito na hindi nila kinukunsinti ang anumang uri ng pananakit at binibigyang halaga umano nila ang dignidad ng mga kababaihan.

“The Cornerstone Management does not condone any act of violence and profoundly value the dignity of women. We take this opportunity to clarify that our earlier statement was issued with no knowledge of any specific details as we were in receipt only of general allegations. Neither were we privy to any photos of the incident.”

“In this delicate situation, we subscribe to the sound discretion of law enforcement and allow the wheels of justice to take its course.”

Kung matatandaan, dinala sa police station si Thompson matapos makatanggap ng tawag ang mga otoridad na nangangailangan ng tulong si Jalandoni matapos itong umano’y ikulong at bugbugin ng aktor, habang itinakbo naman ang aktres sa ospital para sa malapatan ng lunas ang mga pasa sa mukha at galos sa katawan.

Hindi naman nabanggit kung nabayaran ba ni Thompson ang bill sa hotel na kanilang tinuluyan ni Jalandoni.

Samantala, kung sakaling mapatunayan ang akusasyon ni Jalandoni, mahaharap sa kasong violation of Republic Act 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Law si Thompson.


Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form