Heart Evangelista, pinangalanan ng Vogue Singapore bilang isa sa “Best Dressed” celebrity sa Paris Fashion Week

 

Heart Evangelista during Paris Fashion Week

Muling kinilala ang pagiging fashionista ni Heart Evangelista. 

Sa pagkakataong ito, ang Vougue Singapore naman ang kumilala sa galing magdala ng damit ng aktres matapos na isama ang pangalan nito bilang isa sa mga “Best Dressed” sa katatapos lamang na Paris Fashion Week. 

Sa isang article na inilabas ng Vogue Singapore … isa ang pangalan ni Heart sa 16 na icons at magkapares na napansin sa nasabing fashion show. 

Ang suot ni Heart na yellow plaid Dior ang napasama sa listahan ng Vogue Singapore. 

Maging ang suot ng Blackpink member na si Jisoo na halos kapareho ng kay Heart ay napasama rin sa nasabing listahan.


Kabilang naman sa malalaking pangalan na napasama sa Vogue Singapore’s list sina Rihanna, Chiara and Valentina Ferragni, Victoria and Romeo Beckham, Mark Tuan and Úrsula Corberó, si Lila Moss at Anya Taylor-Joy.

 

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form