| Ivana with her mom and siblings infront of their new house |
Sinurpresa ni Ivana Alawi ang kaniyang ina ng bagong bahay.
Sa kaniyang bagong video na in-upload sa kaniyang YouTube channel at may title na, "I SOLD OUR HOUSE PRANK, SURPRISE, NAKAKAIYAK…," sinabi ng aktres/vlogger na bata pa lamang ay pangarap na niyang makabili ng bahay para sa kaniyang ina.
Pinaghandaan niya raw ng matagal na panahon ang pagbili ng nasabing bahay, kung saan naalala pa raw niya na sinabi niya sa kaniyang ina na ito ang una niyang bibilhan ng bahay kapag nagkapera siya.
Lahat umano ng makikita sa loob ng bahay ay mula sa kaniyang pagsisipag kaya’t sobrang happy siya dahil natupad niya ang isa sa mga pangarap niya sa buhay …ang mabigyan ng bahay ang kaniyang pamilya na mula talaga sa pinaghirapan niya.
Aniya, noong binili niya ang lupa ay wala siyang sinabi na anupaman sa kaniyang ina, ngunit ang hindi umano nito alam ay sinimulan na niya ang pagpapatayo ng bahay nang pa-sikreto.
Bagama’t para sa kaniyang ina umano ang bahay, ngunit gusto rin daw niyang i-surprise ang kaniyang kapatid na si Mona.
Si Mona raw kasi ang tumulong sa kaniya kung bakit siya nasa YouTube ngayon kung saan dahil napaka-supportive umano nito at hindi kailanman humingi sa kaniya ng kung anu-ano.
Kapag siya umano ay nagta-trabaho sa mga shoot at vlogs niya ay inspirasyon niya makapagpatayo ng bahay.
Ngunit ugali na raw niya na kapag may ibinibigay siya sa isang tao ay gusto niya itong umiiyak kaya’t ipa-prank niya raw ang kaniyang ina.
Kumuha umano siya ng dalawang taon para maging kasabwat sa gagawin niyang prank sa kaniyang ina kung saan alam din umano ng kaniyang mga kapatid ang kaniyang gagawin.
Sa pagpapatuloy ng prank, naging makatotohanan ang acting ng mga kasabwat kung kaya’t napaniwala si Mrs. Alawi na totoong hindi sa kanila ang nasabing bahay at pagmamay-ari ito ng iba.
Pinalabas pa ni Mrs. Alawi si Ivana para siyang kumausap sa nagpakilalang may-ari ng bahay, kung saan todo acting pa rin si Ivana at nakipagsagutan pa.
Kitang-kita sa mukha ng nanay ni Ivana ang galit at pagka-dismaya kung saan sinabihan pa nito ang aktres na dapat ay kinunsulta nito ang kaniyang dalawang kapatid na marunong sa English dahil mahina umano si Ivana sa English para alam nito ang kaniyang mga pinipirmahan.
Ngunit sa bandang
huli ay sinabi na ni Ivana ang totoo na nakapangalan ang nasabing bahay sa
kaniyang ina, kung saan maging ang kaniyang kapatid na si Mona ay na-prank din
dahil kasama ang pangalan nito sa nakapangalan sa nasabing bahay.