Jose Mari Chan, isinusulong ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce na maging National Artist



Isinusulong ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce na maging National Artist si Jose Mari Chan.

Ayon sa presidente at spokesperson ng nasabing samahan na si Wilson Lee Flores, presidente si dating Pangulong Rodrigo Duterte ay sumulat na sila para maging National Artist ang nagpasikat ng awiting “Christmas In Our Hearts.”

Bagama’t nabigo raw sila noong panahon ni Duterte, ngunit hindi raw sila nawawalan ng pag-asa na ngayong taon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay mapagbibigyan na sila sa kanilang gustong mangyari.

Hindi lamang daw pang-elite ang kanta ni Jose Mari kundi para sa lahat at marami itong na-inspire dahil sa magaganda ang music nito.

Una rito, pinagkalooban si Jose Mari ng Filipino Chinese Chambers of Commerce ng Lifetime Achievement Award noong 2022 at Plaque of Honor at special medallion bilang haligi ng OPM.

Sinabi rin ng grupo na nakapag-submit na rin sila ng nominasyon sa National Commission for Culture and the Arts o NCCA.


Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form