Morisette Amon, nakipag-ayos na sa kaniyang pamilya na ilang taon ding hindi siya kinausap

 


“All is well that ends well” na sa pagitan nina Morisette Amon at ng kaniyang mga magulang at kapatid.

Makalipas ang ilang taong hindi pagkakaunawaan na humantong sa hindi pagkikita at pag-uusap, tuluyan nang naayos ang gusot sa pagitan ng mga ito.

Nalaman ang pagkakaayos ng pamilya ni Morisette sa mismong Instagram account ng singer nang mag-post ito ng picture ng paper placemat na may nakasulat na, “WHAT ARE YOU CELEBRATING TODAY?” at may mga nakalagay na choices na puwedeng guhitan kung anong napili.


Makikita rin na ang mga salitang “reconciliation #peace” ang pinili ni Morisette.

Sa isa pang picture na ipinost nito, makikita naman ang singer kasama ang kaniyang asawang si Dave Lamar at ng kaniyang mga magulang na sina Amay Amon at Analie Daug at ang kaniyang mga kapatid.

Nilagyan ito ni Morisette ng caption na, “Celebrating life and all its miracles,” at nilagyan niya ng heart, at face holding back tears emojis, sabay sabi nito nang “Thank You Jesus.”

Kung matatandaan, nagkaroon ng gusot sa pagitan ni Morisette at ng pamilya nito, kabilang ang kaniyang mga magulang at mga kapatid noong 2019.

Inakusahan noon si Morisette ng kaniyang ama na inabandona sila nito dahil nagpokus ito sa kaniyang boyfriend na si Dave na kaniyang ka-batch sa “The Voice of the Philippines Season 1” noong 2013.

Ito’y matapos naman na umalis ng kanilang bahay si Morisette para makipag-live in umano kay Dave, kung saan hanggang ikinasal ang mga ito ay hindi pumunta ang kahit na sinong miyembro ng pamilya ng singer.

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form