Showbiz Talent Manager-Publicist Na Si Richard Hiñola, Malaki Ang Paniniwala Sa Health Drink Na Saludable Premium Barley

 

Isa na namang produkto ang ini-endorso ng sikat na talent manager-publicist na si Richard Hiñola.

Si Richard ay pumirma ng kontrata sa Saludable Premium Barley, isang health drink na hindi lamang umano isang health product, kundi isang nutrient powerhouse na sumusuporta sa kabuuang well-being ng isang tao.

Kasama sa contract, mula sa kaliwa, ang account specialist ng BEST Magazine na si EJ Calucad, ang mga owner na sina Joni at Paul de Jesus, at si Richard.

Ayon kay de Jesus, punong-puno ng essential nutrients ang Saludable Premium Barley at isa rin itong game-changer para sa mga naghahanap ng paraan para ma-boost ang kanilang kalusugan na hindi masakit sa bulsa.

Nagtataglay ang Saludable Premium Barley ng essential vitamins, minerals at antioxidants na krusyal sa optimal health and vitality.

Ang powerful antioxidants na nasa Saludable Premium Barley ay nakakatulong ng malaki para labanan ang mga free radicals at para protektahan ang cells ng katawan sa pagkaka-damage.

Ang detoxifying properties naman ng Saludable Premium Barley ang naglalabas ng mga toxin sa katawan, dahilan para magkaroon ng healthy at rejuvenated system ang katawan, habang ang fiber-rich content naman nito ang sumusuporta sa digestive health at tumutulong para ma-regulate ang blood sugar levels, dahilan para maging ideal choice ito ng mga taong may diabetes o may mga problema sa digestive system.

Malaki rin ang maitutulong ng Saludable Premium Barley upang mapababa ang cholesterol levels, mapababa ang tiyansa na magkaroon ng sakit sa puso at ma-improve ang pangkalahatang cardiovasculatr health.

Ang anti-inflammatory properties naman nito ay makakatulong upang mabawasan ang pamamaga ng katawan, at pinapababa rin ang tiyansa ng pagkakaroon ng sintomas ng arthritis at inflammatory disorder.

Dahil sa pagbu-boost nito ng immune system, malaki ang maitutulong ng Saludable Premium Barley upang labanan ang mga impeksyon at mga sakit, para manatiling malusog ang katawan.

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form