Isa si Lea Salonga sa mga celebrity na pinu-push ng mga netizen na maging National Artist dahil sa pagbibigay nito ng karangalan sa Pilipinas sa larangan ng musical theater.
Ngunit para sa award-winning na international Filipino Artist, hindi pa panahon para kilalanin siya bilang National Artist dahil mas marami pang Filipino celebrity ang puwedeng bigyan ng nasabing karangalan.
Mas gugustuhin pa raw na makita niya si Dolphy na gawing National Artist at long overdue na raw ito.
Mas ito raw ang dapat na kilalanin kaysa sa kaniya at umaasa raw siya na mabigyan ito ng oportunidad na makilala dahil sa naging ambag nito sa entertainment industry.
Napakalaki raw ng nai-contribute nito sa bansa, kahit na sa mga pelikula kung saan nagku-cross dress ito, dahil malaking tulong umano ang ginawa nito para matanggap ng mga Pilipino ang LBGTQUIA+ community kahit na hindi naman talaga iyon ang intensyon ng yumaong aktor, ngunit ganoon umano ang epekto nito.
Ang naturang pahayag ni Lea ay matapos naman na isulong ng grupong Aktor PH (League of Filipino Actors) si Vilma Santos na maging isang National Artist.
