‘𝐓𝐡𝐞 𝐌𝐨𝐧𝐬𝐭𝐞𝐫’ 𝐒𝐡𝐢𝐩 𝐍𝐠 𝐂𝐡𝐢𝐧𝐚, 𝐔𝐦𝐚𝐥𝐢𝐬 𝐍𝐚 𝐒𝐚 𝐙𝐚𝐦𝐛𝐚𝐥𝐞𝐬, 𝐏𝐞𝐫𝐨 𝐌𝐚𝐲 𝐈𝐩𝐢𝐧𝐚𝐥𝐢𝐭

 

Tuluyan nang umalis sa Zambales province ang “The Monster” ang pinakamalaking coast guard ship ng China, ngunit hindi nagtagal at may kapalit agad ito na bagong barko.

Ito ang kinumpirma ni Philippine Coast Guard spokesperson for West Philippines Sea Commodore Jay Tarriela.

Ayon kay Tarriela, nasa layong 167 kilometro na ng Zambales noong Miyerkules ng hapon ang ‘The Monster’ o China Coast Guard 5901.

Una itong pumasok sa exclusive economic zone ng Pilipinas noong New Year mismo, January 1, kung saan namataan ito sa 100 kilometro o 54 nautical miles mula sa Capones Island.

Ngunit agad na pinalitan ang monster ship ng CCG 3103 na umalis ng Guandong province noong January 7 at naglayag direkta sa lugar na inalisan ng CCG 5901.

Sinabi pa ni Tarriela na as of 2:30pm noong Miyerkules, namataan ang pumalit sa ‘The Monster’ sa 111 kilometro ng Zambales, kung saan tila replacement umano ito upang manatili ang kanilang presensya sa nasabing lugar.

Ayon pa kay Tarriela, akala umano nila ay aalis na ang monster ship, pero na-realized raw niya na may kapalit pala ito.

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form