Niresbakan ng girlfriend ni Carlos Yulo na si Chloe San Jose ang kaniyang basher na nagsabing siya ang nagpapakasasa sa pera ng double Olympic gold medalist.
Ito’y matapos na ipost ni Chloe ang picture nilang dalawa ni Carlos na nasa Lotte World sa South Korea.
Sa nasabing post ng social media influencer, sinabihan ito na hindi man nahihiya na ito ang nagpapakasasa sa pera ni Caloy, sabay sabi dito na makapal ang mukha at kasing kapal ng hollow blocks.
Agad namang niresbakan ito ni Chloe nang sagutin nito na ang gawain ng nasabing basher ang ibinabato nito sa kaniya.
Sinabi pa ni Chloe na ganun daw talaga magsalita ang mga tao na hindi alam kung paano kumite ng sariling pera at ginagamit ang ibang tao bilang investment para sa pansariling kapakanan.
Isa pa sa sinagot ni Chloe ang ipinost na art card ng isang netizen kung saan mababasa dito na gusto na nitong mawala ang utang na loob sa Pilipinas dahil responsibilidad ng magulang na ipagbuntis ng siyam na buwan ang sanggol, pakainin, pag-aralin at pagtapusin, pero hindi nito obligasyon na tumanaw ng utang na loob sa parents.
Ganoon daw ang kinalikihan niya sa Australia at sana raw ay maging normal na ito dito sa Pilipinas.
Sa caption ng nagpost, sinabi nito na sabihin daw ni Chloe sa magiging anak nito ang nakasaad sa art card, na sinagot naman nito na hindi niya ito sinabi.
