Sarah Lahbati, Sabit Sa Umano’y Hiwalayang Ellen Adarna At Derek Ramsay

Nasabit ang pangalan ni Sarah Lahbati sa umano'y hiwalayang Ellen Adarna at Derek Ramsay. 

Ngunit walang relasyon sina Sarah at Derek, kundi nasabit ang pangalan nito dahil ito raw ang ahente ng napakamahal na bahay na gustong ipabili ni Ellen sa aktor. 

Worth P500,000,000.00 umano ang presyo ng nasabing bahay sa isang posh subdivision na ipinakita ni Sarah kay Ellen dahil nag-aahente na raw ngayon ang ex-wife ni Richard Gutierrez. 

Sa kuwento ni Ogie Diaz sa kaniyang Youtube channel, sinabi nito na ang pagpapabili ni Ellen ng napakamahal na bahay ang dahilan ng paghihiwalay nito at ni Derek. 

Ayon kay Ogie, may nakapagkuwento sa kaniya na umano’y gusto ni Ellen na lumipat ng matitirhan ng kaniyang pamilya, kasama si Derek, at ang mga bata. 

Nakatira daw kasi sina Derek at Ellen sa bahay kung saan itinira din ng aktor si Andrea Torres noong karelasyon pa niya ito. 

Ayon pa kay Ogie, sinabi raw ng kaniyang source na ayaw umano ni Ellen na may memories sa isang bahay na tinitirhan niya si Derek at ang ex nito, kaya’t nag-request daw ito na bumili nalang ang aktor ng sarili nilang bahay. 

Ngunit ang napiling bahay umano nito ay nasa loob ng isang posh subdivision at umaabot ang presyo sa kalahating bilyong piso o 500 milyong piso, bagay na sobrang hindi kinaya ni Derek. 

Ito raw ang dahilan ng away ng mag-asawa hanggang sa tuluyan nan gang naghiwalay ang mga ito. 

Ngunit nilinaw naman ni Ogie na hindi raw siya sigurado kung totoo ang balitang nakarating sa kaniya. 

Samantala, bukas naman kami para sa panig ng mga taong nabanggit.

 


Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form