Rita Daniela, Inalay Sa Mga Biktima Ng Sexual Harrassment Ang Pagkapanalo Ng Kaso Laban Kay Archie Alemania

 

Panalo si Rita Daniela sa kasong isinampa nito laban sa aktor na si Archie Alemania. 

Sa kaniyang Instagram account, ipinost ng aktres/singer ang kaniyang katuwaan matapos na katigan ng Bacoor Municipal Trial Court ang kasong Acts of Lasciviousness na kaniyang isinampa laban kay Archie. 

Kasabay nito, inalay ni Rita ang kaniyang pagkapanalo sa mga kababaihang tulad niya na biktima rin ng harassment. 

Ayon sa aktres, ang natanggap niyang hustisya ay hindi lamang para sa kaniya kundi para sa lahat ng mga kababaihan na naabuso, na-harass, at namolestiya, ngunit walang boses at platform para ipaglaban ang kanilang karapatan, kaya’t isini-celebrate niya umano ang hustisya kasama ang mga ito dahil nanalo sila at mahal sila ng Panginoon. 

Kung matatandaan, idinemanda ng aktres/singer si Archie noong October 2024 dahil sa umano’y pinaghahawakan siya nito sa ilang parte ng kaniyang katawan sa loob ng kotse nang ihatid siya nito sa kaniyang bahay. 

Sa salaysay noon ng aktres, sinabi nito na katatapos lamang nilang dumalo sa thanksgiving party ni Bea Alonzo para sa kanilang teleserye na “Widow’s War” ng GMA 7, at dahil pareho silang taga-Bacoor kung kaya’t sumabay na siya dito dahil na rin sa pangungulit umano sa kaniya ng aktor na sumabay na. 

Ayon pa sa aktres, noong aktong bababa na siya ng kotse nito ay bigla siya nitong hinatak at pinaghihipuan, kung saan mabuti nalang at makalabas din agad siya. 

Samantala, naghain naman ng counter-affidavit si Archie, pero kinontra ito ng abogado ni Rita sa pamamagitan ng six-page reply affidavit. 

Si Archie ay nahatulang makulong ng hanggang isang taon at inatasan ding magbayad ng P20,000 in civil indemnity at P20,000 in moral damages.

 

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form