“Retokada po ilong ko.”
Ito ang proud and loud na sagot ng dating child star na si Xyriel Manabat matapos sabihin ng kaniyang follower na pure beauty at wala siyang retoke.
Ginawa ng aktres ang pagkumpirma nang mag-post siya sa kaniyang Instagram account ng kaniyang picture.
Sa comment section ay isang follower niya ang nagkomento nang, “Pure beauty no retoke.”
Sa nasabing komento ng fan sumagot si Xyriel nang “Retokada po ilong ko.”
Agad namang nag-sorry ang nasabing follower dahil hindi niya raw hilig manghalungkat ng mga isyu, kung saan nagpasalamat dito si Xyriel dahil isa umanong compliment sa kaniya ang komento nito.
Marami naman ang
natuwa sa pagtutuwid ni Xyriel sa isang follower, kung saan ang hula naman ng fans
ng aktres ay isa itong basher at naunahan lamang nito ang pambabash.
