Dennis Trillo, Inaming Masyado Siyang Protective Sa Stepson Na Si Alex Jazz

Very protective si Dennis Trillo sa kaniyang stepson na si Alex Jazz, anak ng kaniyang misis na si Jennylyn Mercado kay Patrick Garcia. 

Ayon sa aktor, natural instinct ng isang magulang na ipagtanggol ang kanilang mga anak kaya’t very protective umano siya kay Jazz. 

Idinagdag pa ni Dennis na hindi lamang para kay Jazz ang kaniyang ginagawang pagtatanggol, kundi para sa lahat ng kagaya nito na may taong may special needs. 

Para umano sa lahat ng mga awesome kids ang pagiging protective niya kay Jazz na huwag maapi ang mga ito kahit saan mang platform, kaya’t ipagtatanggol niya raw ang kaniyang stepson sa lahat ng mga pambu-bully. 

Sa kasalukuyan ay 17 years old na si Alex Jazz. 

Bago pa man nagdesisyong magpakasal sina Dennis at Jennylyn ay umakto nang tatay ang aktor kay Jazz, kung saan noong year 2020 ay nagbihis pa ito bilang si Blippi, isang sikat na American children entertainer at educator nang idaos ni Jazz ang ika-12 taong kaarawan nito. 

Si Dennis ay may 18-anyos na binata na rin na si Calix na anak niya sa dating beauty queen na si Carlene Aguilar, habang sila naman ni Jennylyn ay mayroon nang isang anak na si Dylan na tatlong taong gulang na ngayon.

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form