Pinag-uusapan ngayon si Liza Soberano matapos maispatan ng mga netizen na kasama nito si Jeffrey Oh, ang lalaking nakatakdang idinemanda ng kaniyang dating manager na si James Reid.
Nadiskubre ng mga netizen ang pagsasama ng dalawa sa isang event sa Singapore matapos na mag-post ang Indonesian actress na si Raline Shah ng isang maiksing video kung saan pinuri-puri nito si Liza.
Sa nasabing video, sinabi ni Raline ang natuwa siya at na-meet niya si Liza na umano’y most beautiful girl in the Philippines at sa buong mundo.
Nagpasalamat naman si Liza sa natanggap na papuri mula sa actress, ngunit nahagip sa video ang isang lalaking nakatayo sa hindi kalayuan na kamukhang-kamukha ng kontrobersyal na Korean-American na si Jeffrey Oh, na naging kasosyo ni James Reid, ngunit tinanggal ng aktor at idinemanda pa nito dahil sa napakalaking utang nito sa kaniya na umabot sa mahigit 100 milyong piso.
Hindi rin nakaligtas sa mata ng mga netizen ang tila pag-atras ng lalaki nang mapansin nito na nakikita siya sa frame ng camera.
Dahil dito kung kaya’t naniniwala ang mga nakapanood sa video na ito nga ang kontrobersyal na si Jeffrey Oh.
Agad namang nag-worry ang fans ng LizQuen, ang tawag sa tambalan nina Liza at ng ex-boyfriend nitong si Enrique Gil, dahil sa pagsasama ng dalawa.
Disappointment din ang mga ito sa balitang nagkakamabutihan na ang dalawa at si Jeffrey ang ipinalit ng aktres kay Enrique.
Kung matatandaan, ibinunyag ni James na tinanggal niya si Jeffrey bilang CEO ng kanilang Careless Music dahil sa dami ng utang nito gamit ang pangalan niya at ng kumpanya, kung saan mahigit din umano sa 100 milyon ang utang nito sa kaniya.
